Monday, January 26, 2009
pano ba sumulat dito??
Di ko talaga alam kung pano gumawa ng blog na to..na ispotan ko lang to nung minsang nag online ako tapos may nag post ng blog address nya sa isang chatroom kung san nakikigulo ko..ayun, clinick ko, ..sa isip ko "bakit kaya gumagawa sya ng blog?", ok naman ang laman ng blog nya, natuwa ako sa mga photos na naka display don, di ko na siguro kailangan pang i describe kung ano yung mga yon at kung ano laman ng blog nya, basta dahil don na enganyo ko gumawa ng sarili kong blog. Paano nga ba sumulat dito?, kailangan ba eh ingles o tagalog?..Sa tingin ko kung gagawa ulit ako ng blog, kung hindi ito ang una't huli, eh sa tagalog muna siguro. Mag aaral muna siguro ako mag ingles..hahahaha..."don't talk inglis i panic", sabi nga ng isang worker sa pinapasukan kong project. Sa tingin ko ok pa din na tagalog nalang ang gawin ko para makabayan ang dating..hahaha..Ano ba ang dapat na laman ng isang blog? ano nga ba? di ko din alam yan kaya ko tinatanong. Unang blog na nakita ko, ang laman nito ay mga tungkol sa sarili, may nabasa din ako na tungkol naman sa panaginip nya. Siguro kahit ano pwede naman ilagay sa blog, kahit ano na interesante sa tingin ko, dahil blog ko to. Pwede din ba mga censored? yung tipong Xerex, mga kwento sa Sagad..hahahaha..pang ibang web site na ata yon..(di po ako nagbabasa ng mga yan, na k'wento lang ng isang kaibigan, ok daw yung mga picture don..hehehe). Kung tatapusin ko tong blog na to, ano ba mapapala ko?..gugugol ako ng oras para mag type sa papel na nasa likod ng salamin. Pwede namang matulog nalang ako para di ako malate pag pasok sa opisina bukas..(lagi naman akong late kahit di gumagawa ng blog) di pa ko makakaltasan sa sahod. Pero bakit nga ba may mga taong umuubos ng oras pag gawa ng blog? ano ba napapala nila? may kinikita ba silang salapi para pang bayad sa kuryenteng kinukunsumo nila sa paggawa nito?..hmmm!???.. Siguro ang maganda dito eh nailalabas nila kung ano man ang gusto nilang sabihin ng walang kumokontra sa kanila ng harapan, walang paki alaman sabi nga nila, nasasabi nila ang nilalaman ng kanilang isipan at damdamin ng di sila nirereject o kaya naman eh binabara sa salitang kanto..iwas epal. (ako din siguro, at may extra money siguro sila pang bayad sa kuryente, salamat kay ate). Pahahabain ko pa ba ang blog na to? teka, kailangan ba eh mahaba? may kailangan bang dami ng pangungusap?. Parang High School lang, "Gumawa ng isang talata na naglalarawan sa inyong Guro na di bababa sa 500 pangungusap". Minsan limang pangungusap lang inaantok na ko eh, 500 pa kaya. Siguro naman basta ma sabi mo na ang gusto mong sabihin at kung ano man ang iyong iniisip eh ok na sa blog (parang hahaba pa to ah). Ang totoo eh inaantok nako, subalit madami pa ding naglalarong katanungan sa aking isipan, bakit nga ba talaga nag bablog???. Hay ewan..hayaan nalang siguro natin ito at nakakatuwa naman eh. Pano ba tatapusin tong blog ko na 'to? yan ang hindi ko din alam. Itutuloy ko ba sya hangang matuto na ko mag ingles o puputulin ko na dito at matutulog nako?. Pwede naman atang i continue, parang Chapter 2 o Book 2 ng mga nobela, parang Part 2 ng isang pelikula. Pero sa susunod na blog ko ayaw ko nang mag tanong kung pano ba sumulat dito, nakasulat nako eh. Ang pangit naman kung "Pano ba Sumulat Dito?? II" o "Pano ba Sumulat Dito ang Pagbabalik" ang hirap pala tapusin ng blog, di tulad sa pelikula at aklat na kapag namatay na yung kalaban o namatay na yung bida eh The End na. Dito walang bida at walang kalaban, basta pindot lang ng pindot sa mga letrang nakaguhit sa kwadradong pindutan (nabubura na ang mga letra, may dungis pa ng libag ang iba). Bahala na, pano, inaantok na ko eh. Nakasulat naman ako eh, pwede na siguro to. Mag-aaral ako mag ingles para sa mga di nakaka intindi ng tagalog i tatranslate ko to. (pano yung "don't talk inglis i panic?" tatagalugin ko ba?). Sige na sashutdown ko na computer ko, ang laki na ng babayaran namin sa kuryente, yari ako nito.
Subscribe to:
Comments (Atom)